Tatlong centennarians na ang nakatanggap ng 100K na personal naming inihatid sa kani-kanilang tahanan sa tulong ng DSWD at pakikipag-ugnayan ng pamahalaang nasyonal.

Sa kasalukuyan, ayon sa tala ng ating DSWD, sa aking pamumuno ay nakapamahagi na ng financial at medical assistance sa 329 Calaueno. Ito po ay isa-isa nating ipinamamahagi at pinadadala sa tahanan ng ating mga kababayang nangangailangan. Hindi po uso sa akin ang cheque rediscounting dahil hindi po negosyo ang aking sinumpaang tungkulin kundi paglilingkod sa bawat mamamayang Calaueno, kaya hindi po malulugi ang pamahalaang bayan ng Calauan. Isang paalaala sa aking mga kababayan.