Bilang dating pulis, matamis naming sinasambit ang motto na “TO SERVE AND TO PROTECT” kaya’t pinalakas po ng inyong lingkod ang seguridad ng ating bayan sa pamamagitan ng 24/7 Police visibility kasama na rin ang mga Guardians Brotherhood, Philippine Coastal and River Guards Agroupation o PCRGA at mga Brgy. Tanod upang pangalagaan ang ating mga likas-yaman at maiwasan ang krimen sa ating bayan.

Kung ang kapulisan ang ating tanggulan laban sa krimen, kaakibat naman sa pagpapanatili ng kaayusan ng ating bayan ang mga nararapat na imprastraktura, kaya’t puspusan ang ating pagkakabit ng mga solar light sa bawat major at secondary roads ng ating bayan, lalo na sa lugar ng NHA. Gaya ng aking pangako noong pangangampanya pa lamang, dapat ang ating mga kabataan ay makapaglalakad nang mapayapa at walang pangamba ang mga magulang ano mang oras sa nasasakupan ng bayan ng Calauan.