Isa sa mga suliraning ating tinutukan ay ang pagsisigurong ligtas ang ating kapaligiran kung kaya’t isinulong natin ang paglilinis ng mga estero at kanal sa NHA, ilog at sapa. Maging noong nakaraang bagyong Karding, kasama ko ang ating mga kawani, buong maghapon at magdamag naming binantayan ang ating bayan. Sa kasalukuyan po ay ating inaasikaso ang dating nakalaang pondo na nagkakahalaga ng 200 Milyong Piso sa DBM upang maipasaayos ang mga estero at kanal sa NHA Site 1, Barangay Dayap, Calauan, Laguna. Maging ang pagtatambak sa mga kalsada ng ilang barangay upang maging ligtas ang ating mga mamamayan batay sa kahilingan ng ating mga residente ay agad nating inaksyunan.