Sa fiscal na aspekto o pananalaping-bayan, tinuran ko na patataasin ng 20% ang local income ng Calauan sa aking panunungkulan. Nagkamali po ako. Sa estado ng negosyo sa ating bayan, hindi po ako naniniwala na mayroon lang tayong 400 mga negosyo. Hindi rin po ako naniniwala na hindi ko maaayos ang pamamahala sa mga tala ng mga lupa sa ating bayan, Business Permit and Licensing System, at Real Property Tax Administration. Isama na rin ang pakikipagtulungan ng ating Tricycle Operators and Drivers’ Association. Nadatnan ko na ang tala na sa kasalukuyan ay mayroon lamang tayong 11% na local sources, kaya naman binusisi ko ang lahat ng dokumento tungkol dito at nadiskubre kong marami pa tayong mapagkukunan ng income. Sa ganang akin, ilalahad ko sa inyo ang totoong pinagkukunan natin ng yaman at kailanman ay hindi ako magtatago sa inyo. Baka 1 o 2 taon pa lang ay mahigitan ko pa ang sinabi kong 20% dagdag na kita ng bayan ng Calauan.