Ika nga ng isang drug store, “Nakasisiguro, gamot ay laging bago”. Sa Calauan, ito naman ang sasabihin ko, “Calaueno, nakasisiguro sa serbisyo-publiko. Basta’t kalusugan ninyo, sa MHO kayo’y mapaglilingkuran ng may ngiti at mula sa puso.” Handog po ng pamahalaan ang 10 kama sa paanakan, pre-employment medical check-up, dialysis center at mga gamot na nararapat sa inyong kalusugan. Hindi po namin kayo pababayaan. Kamakailan lamang ay ating tinanggap ang serbisyo ni Dr. Jose Magtangol Carait upang pangunahan ang tanggapan ng Rural Health Unit katulong si Dr. Cevrich Glodoveza at iba pang Health Practitioners. Doc Cev and Doc Carait at mga Rural Health Practitioners, tulungan nyo po akong paglingkuran ang mamamayang Calaueno nang may ngiti. Dalawang Doctor, (3LGU, 13 DOH,nurses,7 midwives, 1 medical technologist makabagong hospital equipment, 15 beds para sa dialysis center, 10 bedroom na paanakang bayan, 5 contact tracers, encoders, __ scanners (4) at abot-kayang dental services, iyan po ang buong puwersa ng Rural Health Unit para sa inyong kalusugan. Mahal kong kababayan!