Sa ilalim ng Local Government Support Fund-Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) ng NTF-ELCAC para sa taong kasalukuyan, malaking pondo ang binaba para sa pag-uupgrade ng Local Access Road sa nasabing Barangay na lubos na makatutulong at makakagaan sa buhay ng mga residente doon partikular na sa ating mga Calaueño sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Sa proyektong ito, labis ang pasasalamat ng mga residente ng Barangay Masiit sa Pamahalaan sapagkat unti-unti na nilang nakikita ang mas maliwanag na bukas na naghihintay para sa kanila.